The Love For Writing

Have you ever had that point in your life when you just stopped writing, when you stopped expressing yourself with a paper and ink, because you thought it’s pointless, or you thought that it’s not gonna take you anywhere, or you thought that perhaps, you have to spend your time more on something that will make you more productive, then at the end of the day, you’ll find yourself in the middle of the night writing your heart out why you ever stopped doing what you love?

Sometimes I feel frustrated at times when I feel the need to write something on my blog (just to make it look active and alive) but couldn’t think of anything sensible to write (or couldn’t bring my heart in my piece). But it’s more frustrating when you try to forget about writing and your love for it but you know just can’t.

The love for writing will always be in us no matter what our excuses are why we pause writing for a while. It’s our deal. It’s our way of anger or frustration management. This our way to express the things we can’t shout out. This is our avenue to empty our heads (and we don’t care who reads or not).

Even when you had turn your back at the one thing you love, you’ll always go back to where your heart is — writing.

Advertisements

May Kuwento Akong Nalalaman

May kuwento sa tulay. Noong teenager ka sabay kayong tumalon at magkahawak pa ang kamay. That was your first time. Sa ilalim nun sinulat ‘nyo pangalan sa loob ng hugis na puso at sabay nangakong “Ako’y sayo at ikaw ay akin lamang”. Saksi naman ang ilog sa unang patak ng luha mo, ‘yung araw na na nabasag ang iyong puso dahil sinabi niya na ang lahat ay isang lamang laro.

Kahit ang loob ng kuwarto may nakatagong kuwento. Sa ilalim ng kama may nakatagong isang kahon ng alaala. Pagbukas mo nun makikita mo ang panyo na bigay ng isang binata noong araw na may luha ang ‘yong mga mata; ang chocolate wrapper na itinago mo dahil bigay ‘yon ng taong sinubukan kang pangitiin; ‘yong ticket ng unang movie na pinanood niyo sa sine; ‘yong isang scratch paper na ginawang bola at inihagis sayo na akala ng teacher niyo ay kodigo, yun pala ang nakasulat ay “I Love You”; nandoon din ang nalantang rosas, ang unang bulaklak na natanggap mo nung Valentine’s Day; at may bracelet din na may dalang pangako na sa pag-ibig na meron siya, wala dawng magbabago. Ngayon magdadagdag ka ng isang magandang bato na napulot mo sa tabing-ilog, bato na naging saksi sa sakit at galit na meron ka; bato na magpapaalala sayo na minsan ang puso mo ay napaglaruan ng tadhana, bato na paaalalahan ka na sa susunod puso ay iingatan mo na. 

May kuwento din sa bus, nung araw na lumayo ka. Hindi mo alam kung may magbabago ba. Pero sa bus na yun may nakilala ka, isang binata na bigla ka na lang tinabihan  at sinabihan kang maganda. Pagbaba mo ng bus, alam mo na kailanman ay hindi mo na siya makikita.

May kuwento sa bagong tinutuluyan. Pagpasok mo sa apartment, di mo mahanap ang susi. Paglingon mo’y isang binata ang nag-abot ng susing nahulog mo. Nagulat ka dahil meron ng key chain na kasama. Sabi pa niya “Sayo na yan para di ulit mawala. Baka kapag napabayaan mo ulit, may sinumang sumubok na buksan yang pintuan “illegal trespassing.” Hindi mo naintindihan pero napangiti ka na lang bigla.

May kuwento sa bintana. Sa lugar na yun nagsimula ang bagong kabanata.

May kuwento din ang gitara, ang unang musika na nagpakabog na iyong dibdid. Hindi ka nga lang sigurado kung musika nga ba ang dahilan.

May kuwento sa tabing-dagat, noong araw na nais mong magpakalayo upang makapag-isip. Subalit dinadalaw ka pa rin ng alaala niya habang nakatitig ka sa paglubog ng araw.

May kuwento kaya mo na naisusulat ang mga ito! Kasi nga may kuwento!