Walang Panghihinayang

​Alas diyes ala kinse ng gabi ng ika-11 ng Setyembre, naglalakad pa ako sa kalye ng Divisoria patungo sa sakayan ng jeep. Papauwi ako ng mga oras na iyon. Gabi na, halos wala ng tao sa daan at pumapatak na ang ulan gayunpaman kung lumakad ay kay kupad. Ang drama lang!

Malalim lang ang iniisip ko. Di ko maintindihan kung bakit ganun kabigat sa pakiramdam ang malaman na meron na siyang ibang nagugustuhan.

Akala ko ba malinaw sa’yo na imposibleng maging kayo? Kasi nga sabi mo malabo ang mga senyales, hindi tugma ang inyong mga puso, malayo siya sa lalaking pinapanalangin mo … tapos ganyan ka?

Minsan gusto kong isipin na “Aye sayang, napakawalan ko pa. Ang arte ko kasi.”

Gaga! Hindi ka dapat nanghihinayang.

Napatingin ako sa kalangitan na nakangiti at bumuntong-hininga at saka sinabing “It’s a happy life.”

Walang panghihinayang. Talaga naman minsan ang tao dadaan lang sa buhay natin at mag-iiwan ng bakas.

Walang panghihinayang. Di ba nga sabi mo, siya ay hindi para sa’yo at ikaw ay hindi para sa kanya. Panindigan mo yan!

Napangiti ako lalo kasi naisip ko may magbabago na. Sa tingin ko mapuputol ko na ang tali ng katahimikan na gumagapos sa aking bibig sa tuwing kami lang ang magkasama. Mawawasak ko na ang pader na binuo ko sa pagitan naming dalawa sa layon na maiwasan ko ang tuluyang mahulog ang loob. At sa wakas, maaari na akong kumilos ng malaya na walang pag-aalinlangan.

Bagama’t mahirap ang bagong simula na sana nga ay maisakatuparan lalo na’t ang paligid ay hindi mapigilan ang pangungutya, kaya mong harapin iyan na may ngiti sa mukha at ligaya sa iyong puso.

Hindi na ito bago.

Kinaya mo noon, kakayanin mo rin ngayon.

Tama ka, “It’s a happy life.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s